Official Website

GOVERNOR BOBOY’S ACTION PACKED MONDAY AGENDA

April 4, 2026 Mula umaga hanggang hapon, sunod-sunod na pulong ang pinatawag ni Governor Boboy Hamor upang tiyakin ang tuloy-tuloy at maayos na paghahatid ng serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan.

• Rural Development Plan (RDP): 2026–2031: Tinalakay kasama ang PPDO planners bilang pangunahing gabay sa direksyon ng kaunlaran, lalo na sa mga proyektong pang-imprastraktura

• People-centered planning: Binigyang-diin na ang mga prayoridad na proyekto ay manggagaling sa bawat munisipyo, batay sa aktwal na pangangailangan, at daraan sa NEDA at RDC approval

• Gamit mo, Sagot ko rollout: Pinagtibay ang plano sa prepositioning ng school supplies na target maihatid sa Mayo 11, 2026 bago ang pasukan

• Tabang Kan Sorsoganon: Inatasan ang paghahanda ng karagdagang 1,000 food packs para sa Camalig, Albay bilang tulong sa mga apektado ng Mayon eruption

• Kasanggayahan Activities: Inilatag ang mga posibleng aktibidad kaugnay ng pagdiriwang, maikling schedule ngunit mas siksik at makabuluhang event ang nakalinya

• Flu Vaccine rollout: Sisimulan na ang flu vaccination gamit ang 20,000 doses na binili ng Kapitolyo

#UnaAnSORSOGANON

Scroll to Top