Official Website

GOVERNOR BOBOY HAMOR, TINANGAP ANG PARANGAL BILANG OUTSTANDING GOVERNOR NG PILIPINAS SA LARANGAN NG SOCIAL SERVICES

April 28, 2026 GOVERNOR BOBOY HAMOR, TINANGAP ANG PARANGAL BILANG OUTSTANDING GOVERNOR NG PILIPINAS SA LARANGAN NG SOCIAL SERVICES

Tinanggap ni Governor Boboy Hamor ang prestihiyosong pagkilala bilang isa sa mga Outstanding Governors ng Pilipinas dahil sa kanyang pambihirang pamumuno at hands on na pagtutok sa social services sa lalawigan ng Sorsogon.

Iginawad ang parangal ngayong araw sa Zamboanga City sa ginanap na 29th National Convention and General Assembly ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. (ALSWDOPi) ang pangunahing samahan ng mga social worker sa buong bansa.

Ang naturang pagkilala ay patunay sa epektibong pagpapatupad ng 7K Program ng pamahalaang panlalawigan, kung saan apat sa mga pangunahing haligi nito ay direktang nakatuon sa social services, serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng mga pinakamahihirap at pinaka-nangangailangang sektor ng lalawigan.

Hindi basta basta ang karangalang ito, sapagkat tatlo lamang na gobernador sa buong bansa ang napiling pagkalooban ng nasabing parangal, isang malinaw na indikasyon ng pambihirang liderato at malasakit ni Governor Boboy sa kapakanan ng bawat Sorsoganon.

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang tagumpay ng isang lider, kundi tagumpay ng buong lalawigan ng Sorsogon sa patuloy na pagsulong ng serbisyong naka-angkla sa 7k plus programs.

#UnaAnSorsoganon

Scroll to Top