May 11, 2026 TINGNAN | Bandang 5:11 ng madaling araw ngayong Lunes, personal na bumisita si Governor Boboy Hamor sa himpilan ng Donsol Municipal Police Station upang alamin ang kahandaan ng kapulisan kaugnay ng nalalapit na pagbubukas ng klase.
Sa pagharap ng gobernador, muling iginiit nito na hindi dapat pahintulutan ang anumang tupada lalo na ngayong abala ang mga pamilya sa paghahanda para sa pasukan ng mga estudyante. Ayon sa gobernador mahalaga ang paghahanda ng mga magulang sa pagbubukas ng klase lalo’t naniniwala siya na dapat may mga bagong gamit sa klase ang mga estudyante.
Ibinahagi rin ni P/Capt. Shirley Diocampo, Chief of Police ng DMPS, ang kasalukuyang peace and order situation sa bayan ng Donsol at ang mga hakbang ng PNP para matiyak ang ligtas at maayos na school opening.
Tinapos ni Governor Boboy Hamor ang kanyang pagbisita sa pagpuri sa sakripisyo ng mga uniformed personnel ng Donsol, kasabay ng pagkilala sa mababang crime rate ng kanilang bayan.