January 4, 2025
TINGNAN: Ngayong araw, ika-4 ng Enero, 2025, pinangunahan ni Governor Boboy Hamor, kasama si 2nd District Congressman Wowo Fortes, mga bokal at ilang empleyado ng Kapitolyo ang pagsisimula nang paglilibot sa iba’t ibang barangay sa probinsya upang magtanim ng mga fruit-bearing trees sa mga bakuran. Ito ay bahagi ng programang ‘Fruit Trees for every Home: Governor’s Greening Program,’ ng Pamahalaang Panlalawigan na ang pangunahing inisyatiba ay mas mahikayat ang bawat pamilyang Sorsoganon na magtanim ng puno sa kani-kanilang komunidad. Nais din nitong palakasin ang kampanya ng pangangalaga sa kalikasan, gayundin para maging sustinable ang mapagkukunan ng mga produktong prutas na magbibigay din ng hanapbuhay pagdating ng panahon. Kabilang sa mga barangay na pinuntahan ay ang Cadandanan, Palale, Quirino, San Francisco, Jamorawon at Beguin sa bayan ng Bulan, kung saan ang mga residente ay nabigyan at ang kanilang mga bakuran ay nataniman ng mga punla katulad ng mangga, santol, sampalok, rambutan, langka at iba pa. #UnaAnSorsoganon #BeautifulSorsogon