Official Website

Dumalo si Provincial Administrator Franco Eric Ravanilla para sa pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa ginawang panunumpa ng mga bagong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Castilla

April 30, 2026 TINGNAN | Dumalo si Provincial Administrator Franco Eric Ravanilla bilang kinatawan ni Governor Boboy Hamor para sa pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa ginawang panunumpa ng mga bagong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Castilla ngayong Abril 30, 2026, kung saan personal itong pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development Office Secretary Rex Gatchalian sa LGU Gymnasium.

Bukod sa Oath Taking, nagkaroon din ng registration at validation ng 4Ps upang matiyak ang maayos at tamang pagpapatupad ng programa para sa mga karapat-dapat na pamilya na mapapabilang sa naturang programa.

Samantala, nakiisa rin sa aktibidad ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na naghatid ng serbisyo gayundin ng libreng kape sa mga dumalo.

#UnaAnSORSOGANON

Scroll to Top