Official Website

Coordination Meeting

March 11, 2026

IN PHOTOS | Sa pangunguna ni Provincial Administrator at 7K Katrangkiluhan Project Manager Franco Eric Ravanilla, nagsagawa ng Coordination Meeting ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pamumuno ni Engr. Raden Dimaano kasama ang SPDRRMC Response Cluster, C/MDRRMOs at iba pang ahensya ngayong Marso 11, 2026 sa pamamagitan ng Google Meet para sa paghahanda sa Lakbay Katrangkiluhan kaugnay ng nalalapit na Holy Week at Summer Vacation.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang sa koordinasyon at kahandaan ng mga ahensya upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga biyahero at mamamayan sa lalawigan.

Samantala, nagbigay din ng direktiba si Admin. Ravanilla na limitahan ang paggamit ng mga sasakyang pag-aari ng pamahalaan para lamang sa mga essential na biyahe bilang pagtitipid sa gasolina sa gitna ng kinahaharap na pandaigdigang krisis.

#UnaAnSORSOGANON

Scroll to Top