Official Website

COMMUNITY PANTRY NG KAPITOLYO, MULING UMAARANGADA

April 10, 2026 Muling pinatunayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ang malasakit sa sektor ng transportasyon sa pagpapatuloy ng Community Pantry ngayong araw ng Byernes.

Sa pamamagitan ng drive-thru system, patuloy na naipamahagi ang mahahalagang pangangailangan tulad ng bigas, itlog, sardinas, kape, sariwang gulay at isdang tamban (lawlaw) para sa ating mga drivers.

Ngayong rollout, mas pinalawak pa ang saklaw ng programa dahil hindi lamang mga tricycle drivers ang natulungan, kabilang na rin ang mga drivers ng modernized at traditional jeepneys pati na ang mga delivery riders na patuloy na umaandar para sa kabuhayan at serbisyo sa lalawigan.

#UnaAnSorsoganon

Scroll to Top