Official Website

LIBRENG DIALYSIS CENTER, NAKATAKDANG ITAYO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NGAYONG TAON

January 10, 2023 Nakatakdang simulan sa mga susunod na araw ang pagpapatayo ng libreng dialysis center ng pamahalaang panlalawigan sa mga bayan ng Gubat at Irosin. Mayroong kabuoang 50 dialysis machine ang bibilhin ng kapitolyo kung saan may alokasyong tig-25 dialysis machines ang Gubat at Irosin. Ito ang kinumpirma ni Governor Boboy Hamor sa isinagawang kick-off meeting ngayong araw sa mga Alkalde at ilang lokal na opisyal. Ayon kay Governor Boboy, nasa proseso na ang Provincial Health Office para sa pagsasakatuparan ng proyekto. Ang nasabing dialysis center ay malaking tulong sa lahat, partikular na ang mga hirap sa pinansyal na aspeto lalo pa at sinabi ng Gobernador na libre lamang dito ang pag-avail ng serbisyong medikal. #UnaAnSorsoganon

LIBRENG DIALYSIS CENTER, NAKATAKDANG ITAYO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NGAYONG TAON Read More »

EXPANSION NG MATNOG PORT, KASADO NA

January 09, 2023 Nakipag-pulong si Governor Boboy Hamor at 2nd District Congressman Wowo Fortes kasama ang iba pang opisyal ng Lalawigan ng Sorsogon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman noong nakaraang lingo upang hingiin ang tulong ng ahensiya sa pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na ma solusyunan ang problema ng port congestion sa bayan ng Matnog. Sa pulong iprenesinta ni Mr. Bobby Gigantone ng SPTCAO ang mga problemang hinaharap ng Pamahalaang Panlalawigan may kaugnayan sa mga nagsasanga-sangang problema sa daungan na naglalagay sa masamang imahe sa publiko ng lalawigan. Sa pagharap ni Governor Boboy ipinaliwanag nito ang nakita niyang solusyon upang malutas ang pangmatagalan ng problema, aniya, kailangan lamang na palawakin ang Matnog Port upang matugunan ang paulit-ulit na problema ng congestion. Sa isang AVP presentation ipinakita ang iminumungkahing reclamation ng higit sampung ektaryang lugar katabi ng kasalukuyang daungan kung saan kaya ditong ilagay ang higit dalawang libong sasakyan na hindi na makakasagabal sa kahabaan ng kalsada ng Matnog at katabing mga bayan tuwing nagkakaroon ng port congestion. Wala namang pagtutol ang PPA sa iminungkahing proyekto ng pamahalaang panlalawigan dahil nakikita nilang mas praktikal ito kumpara sa naunang plano na lagyan ng bagong daungan sa bayan ng Sta. Magdalena. Kumbinsido naman ang Department of Budget and Management sa iprenesenta ni Governor Boboy Hamor at iminungkahi ng mga opisyal nito na madaliin na lamang ang pagsasa-ayos ng MOA sa pagitan ng DOTR at PPA para magamit na ang humigit kumulang na 500 million na pondo para mapalawak ang Matnog Port. #UnaAnSORSOGANON

EXPANSION NG MATNOG PORT, KASADO NA Read More »

TINGNAN: Sa pagpasok ng bagong taon, unang sorpresang binisita ni Governor Boboy Hamor ang Gubat District Hospital ngayong alas dos ng madaling araw.

January 4, 2023 Ayon kay Governor Boboy patuloy niyang gagawin ang ganitong pamamaraan dahil mas nakikita niya ang paglilingkod sa mga tao nang mga kawani ng mga ospital na pinapatakbo at pinamamahalaan ng pamahalaang panlalawigan. #UnaAnSORSOGANON

TINGNAN: Sa pagpasok ng bagong taon, unang sorpresang binisita ni Governor Boboy Hamor ang Gubat District Hospital ngayong alas dos ng madaling araw. Read More »

Scroll to Top