May 10, 2023
7K KALUSUGAN UPDATE:
Binisita ng Doctors to the Household and Rolling Clinic and Pharmacy ng Kalusugan Program ang mga barangay ng Tula-Tula Sur at Busay sa bayan ng Magallanes kahapon, ika-9 ng Mayo, 2023.
Ang Kalusugan Team ay patuloy na pinupuntahan maging ang remote barangays upang mapagsilbihan ang mga residenteng higit na nangangailangan ng serbisyong medikal.