June 1, 2026 Naghatid ng paunang tulong ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) noong Mayo 30, 2026 sa 12 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Fabrica, Bulan. Kabilang sa ipinamahaging ayuda ang 24 DSWD Family Food Packs, 12 hygiene kits, 12 kitchen kits, 12 kumot at iba pa upang makatulong sa kanilang pansamantalang pagbangon mula sa insidente.
Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pagbibigay ng kinakailangang suporta sa mga pamilyang nangangailangan sa panahon ng sakuna.