January 30, 2024
Tuloy-tuloy ang serbisyong hatid ng Kalusugan Program sa mga Sorsoganon matapos bisitahin nito ngayong araw, ika-30 ng Enero, 2024 ang mga barangay ng Bentuco, Naagtan, Rizal at Buenavista sa bayan ng Gubat.
Kasabay ng roll-out ng Doctors to the Household and Rolling Clinic and Pharmacy, umarangkada na rin ang bagong proyekto ng programang Kalusugan na SMILE SORSOGON: Dental Health for All.
Nasa 30 ang naging benepisyaryo ng libreng pagbubunot ng ngipin na ginanap sa Bentuco, Gubat kung saan labis ang pasasalamat ng mga residente sa magandang programang tulad ng nabanggit na isinusulong ng kapitolyo.
Presente rin sa roll-out si Governor Boboy Hamor at ang Kalusugan Program Project Manager na si G. Salvador Mendoza Jr. upang personal na i-supervise ang nasabing roll-out.