January 29, 2024
Mula sa hampas ng mga alon at layo ng lakarin, hindi nagpatinag ang 7K Kalusugan GIDA team upang muling mabisita ang barangay ng Behia sa bayan ng Magallanes.
Ngayong araw, ika-29 ng Enero, 2024 patuloy na nag-ikot ang grupo upang magsagawa ng roll-out ang mga doktor sa ilang bedridden patients habang nagkokondukta ng libreng konsultasyon at pamimigay ng gamot sa mga residente rito.