Official Website

7K Kagandahan Update

February 24, 2026

7K KAGANDAHAN UPDATE: Isinagawa nitong Pebrero 23, 2026 ang Coordination Meeting para sa nalalapit na 7K Champions: Provincial Drum and Lyre Competition 2026 bilang bahagi ng aktibidad ng 7K Kagandahan Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon.

Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga Public Schools District Supervisor mula sa DepEd Province at DepEd City, gayundin ang mga kinatawan ng mga pribadong paaralan na may Drum and Lyre Corps (DLC) sa Elementarya at Sekondarya. Tinalakay sa pulong ang mga mahahalagang detalye at alituntunin ng kompetisyon na nakatakdang idaos sa Mayo 2026, kabilang ang partisipasyon ng bawat public school district at private schools na may DLC.

Nagpahayag din ng ilang concerns at suhestyon ang mga dumalo upang higit pang mapahusay ang patakaran at daloy ng paligsahan. Ang mga ito ay isusumite para sa pag-apruba ng ating Gobernador.

#UnaAnSORSOGANON

Scroll to Top