January 23, 2025
TINGNAN: Nagpatawag si Governor Boboy Hamor ng espesyal na pagpupulong kaninang alas-7 ng umaga sa Camp Escudero kasama ang mga kawani ng 7K Katrangkiluhan, PNP, PSWDO, CSWD, at mga indibidwal na may record sa mga barangay ng Almendras, Sampaloc, at Balogo, Sorsogon City. Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang seguridad at ipinabatid din ni Governor Boboy Hamor ang kanyang seryosong hangarin sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa probinsya. Pinaalalahanan niya ang mga dumalo na hindi palalampasin ang sinumang magdudulot ng kaguluhan o karahasan at ipatutupad ang nararapat na parusa sa mga lalabag. Hinimok din niya ang lahat na makiisa at maging katuwang sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa buong Sorsogon. #UnaAnSORSOGANON #7KKatrangkiluhan